MANILA, Philippines - Ipinaalala ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga taga-lungsod na nakabukas ang tanggapan ng treasurers office kahit pa holiday dahil sa pagdating ni Pope Francis sa ating bansa
Ayon kay Bautista, tanging ang treasurers office lamang ang nakabukas sa Quezon City hall o ang mga tanggapan na may kinalaman sa pagtanggap ng bayarin sa buwis sa panahon ng Papal visit.
“Kailangan nating bigyan ng panahon ang ating mga taxpayers na makapagbayad ng kanilang taxes kaya kailangan nating buksan ang mga opisinang ito pati weekends to accommodate the bulk of tax payment here in Quezon City”, paliwanag ni Bautista.
Sinasabing mas mabibigyang pagkakataon ng mga taga- lungsod na mabayaran ang kanilang buwis sa panahon ng Papal visit dahil walang pasok sa mga paaralan at mga opisina sa Metro Manila.
Kaugnay nito, inanunsyo nam an ng treasurers office na exempted naman sa auditing at examination ng business records ang mga taxpayers na magbabayad ng kanilang business taxes na mas mataas sa 30 percent ng halaga ng kanilang babayarang buwis sa cityhall.
Ang naturang exemptions ay nakapaloob naman sa isang ordinansa na nilagdaan ni Mayor Bautista na nagsasaad na magbigay ng ganitong uri ng hakbang bilang bahagi ng programa na mapasigla ang pagbubuwis sa Quezon City.
Sa ngayon ang Quezon City ay may mahigit sa 60,000 registered business establishments.