MANILA, Philippines – Humingi na ng paumanhin ang lalaking driver sa kumakalat na video ngayon tungkol sa kanyang pagmamaneho sa Metro Manila.
Nakilala ang driver na si Tio Cosejo Jr., na nagbigay ng paumanhin sa lahat ng nainis sa kanyang video kung saan ipinagyayabang ang panggigitgit sa ibang motorista sa kalye.
Ipinadaan ni Cosejo ang kanyang paumanhin sa Facebook account ng kanyang asawa matapos umanong makatanggap ng death threat at madamay ang kanyang pamilya.
"A few years ago I made a video with a friend about driving in the Philippines. It was a harmless trip that went wrong and now has gone viral on the internet," nakasaad sa kanyang pahayag.
"Having fun is not harmless when it's done at the expense of others. I take full responsibility for my actions that day. It was a huge lapse in judgement, and I'd like to apologize to anyone and everyone affected by my carelessness."
Kumalat ang naturang video matapos itong i-share ng motoring website na Top Gear Philippines sa kanilang Facebook page.
Marami readers ang hindi natuwa sa pagyayabang at pangti-trip ni Cosejo, ngunit lalong ikinagalit ng mga tao ang pagsisinungaling pa umano ng driver.
Sinabi ni Consejo na luma na ang video, habang idinagdag ng kanyang asawa na malaki na ang pinagbago ng driver dalawang taon ang nakalilipas.
Base sa mga komento ay bago pa ang naturang video batay sa mga nakitang plaka ng sasakyan, habang may nadaanan ding gusali sa video na nitong 2014 lamang natapos.