MANILA, Philippines — Sarado ang ilang kalsada sa Metro Manila para sa pagbisita ng Santo Papa.
Inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority ngayong Lunes ang listahan upang maiwasan ng publiko.
Magsisimula sa Huwebes ganap na alas-3 ng hapon ang pagsasara ng mga sumusunod na kalsada:
Principal routes:
- Villamor Air Base Gate 5 - 5.50 km
- Andrews Ave - 2.32 km
- Domestic Road - 1.60 km
- NAIA Road - 1.60 km
- Roxas Boulevard - 10.64 km
- Quirino Ave 1.98 km
- Taft Avenue - 0.26 km
Other roads:
- Sales Bridge - 2.32 km
- SLEX/Skyway to Magallanes - 3.84 km
- Osmena Highway - 9.12 km
- Quirino Avenue - 1.86 km
Alternate routes
Nagbigay din ang MMDA ng ibang kalsadang maaaring daanan, ngunit nagbabala sa matinding daloy ng trapiko.
Mula Sucat Road Northbound:
Mula Kabihasnan, kanan sa Coastal Road, kaliwa sa Pacific Avenue, kanan sa Macapagal Boulevard, kanan sa EDSA, kaliwa sa Arnaiz Avenue kanan sa Amorsolo Street, kaliwa sa Rufino Street, kanan sa Chino Roces Avenue, kaliwa sa J.P. Rizal, diretso sa Tejeron.
Mula EDSA hanggang Coastal:
Mula EDSA, kaliwa sa Macapagal Boulevard, kaliwa sa Pacific Avenue, kanan sa Coastal Road.
Mula Taft Avenue patungong Maynila:
Option 1: Mula Taft Avenue, kanan sa P. Ocampo Street, kanan sa Arellano Avenue, kaliwa sa Zobel Roxas, kaliwa sa Onyx.
Option 2: Mula Taft Avenue, kanan sa Ocampo Street, kaliwa sa Arellano Avenue, kaliwa sa Estrada, kanan sa Singalong, kanan sa Esguerra, kaliwa sa Angel Linao.
Mula Luneta patungong Paco:
Mula Luneta, dumaan sa TM Kalaw o Pedro Gil.
Mula Taft Avenue / Ayala Boulevard patungong Santa Ana:
Mula Taft, kaliwa lamang sa Pedro Gil diretso sa patutunguhan.