LRT-1, tuloy ang biyahe sa pagdating ng Pope
MANILA, Philippines – Tuloy ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit (LRT-1) sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero 15-19.
Ayon kay LRT Authority spokesman Hernando Cabrera, tuluy-tuloy ang biyahe ng mga tren ng LRT-1.
Sa Enero 18 ay inaasahang maraming tao ang sasakay ng LRT-1 upang magtungo sa Luneta, kung saan magdaraos ng misa si Pope Francis.
Nitong Disyembre, unang sinabi ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na pinag-aaralan nila kung sususpendihin ang mga biyahe ng LRT-1 sa Papal visit.
Ayon kay DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya, inirekomenda na nila ito sa Papal Visit 2015 Central Committee dahil ang Papal Nunciature sa Maynila, kung saan mananatili ang Santo Papa ay nasa daraanan ng
LRT-1.
Una nang sinabi ng mga organizer ng event at ng Manila City Government na isasarado nila ang mga kalsada sa paligid ng Papal Nunciature na official residence ng Santo Papa habang nasa bansa siya, para na rin sa seguridad nito.
Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Roosevelt sa Quezon City at Baclaran sa Parañaque.
- Latest