^

Metro

Natapak-tapakan deboto patay sa traslacion ng Nazareno

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa pang deboto ng Itim na Nazareno ang nasawi bago pa man matapos ang traslacion, na umabot ng mahigit sa 19 oras, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Christian Mel Lim, 18, ng Anakbayan St., Malate, Maynila na unang natagpuang walang malay sa entrance gate ng Minor Basilica sa Quiapo, Maynila, ng mga volunteer ng Philippine Red Cross.

Sa panayam kay PRC volunteer na si  Ampie Galpo, nang buhatin ng team nila ang biktima na agad na dinala sa kanilang station booth ay napunang wala na itong vital signs at ipinasuri kaagad sa mga medical personnel ng Department of Health na nakatalaga rin sa mismong tapat ng Minor Basilica.

Isinugod na rin ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) na doon ito idineklarang dead-on-arrival.

Sa  ulat naman ni  SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section,  puno umano ng mga galos at may mga bakat pa ng mga paa ang damit ng biktima na indikasyong natapak-tapakan ito ng dagsa ng mga debotong sumama sa traslacion.

Una nang naiulat ang pagkamatay ng isang ‘alagad’ o official escort sa Andas ng Itim na Poong Nazareno.

Ang 43-anyos na si Re­nato Gurion, na may 5-taon nang miyembro ng Hijos Del Nazareno ay inatake sa puso sa itaas ng Andas dakong alas-8:30 ng umaga dahil sa dinanas na puyat, pagod at naipit pa ng dagsa ng tao na humalik sa Poon.

Bukod dito, nasa 1,700 deboto rin ang nabigyan ng atensyong medikal.

Nabatid na alas-3:45 ng madaling-araw nang ma­ibalik sa loob ng simbahan ang Poong Nazareno. Ang traslacion ay tumagal ng mahigit sa 19 na oras.

AMPIE GALPO

ANAKBAYAN ST.

CHRISTIAN MEL LIM

DEPARTMENT OF HEALTH

GLENZOR VALLEJO

HIJOS DEL NAZARENO

ITIM

MINOR BASILICA

POONG NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with