Sorpresang drug test sa pulis-Quezon City, isinagawa
MANILA, Philippines - Isang sorpresang drug test ang isinagawa ng kagawaran ng Quezon City Police District (QCPD), partikular sa mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) kahapon.
Ayon kay Senior Supt. Procopio Lipana, deputy director ng QCPD, ang sorpresang drug test ay upang magkaroon ng kredibilidad ang buong tropa ng SAID na pangunahing nagsasagawa ng operasyon laban sa mga gumagamit ng iligal na droga.
Kailangan anya na maituring na “drug-free” ang lahat ng mga personnel ng SAID, upang hindi mabahiran ng anumang pagdududa ang publiko sa kanilang kagawaran. Ginawa ang surpresang drug test sa may 12 istasyon ng QCPD matapos ang patawag na command conference na ginawa sa may headquarters sa Camp Karingal.
Sabi ni Lipana, malalaman ang resulta ng drug test sa loob ng isang linggo matapos isagawa ito.
Sa sandali anyang may magpositibo ay agad na aaksyunan ito ng kagawaran at aalisin sa nasabing departamento.
- Latest