“PAANO mo susunugin?” tanong ni Lyka na parang kinakabahan sa bagong naisip na paraan ni Kastilaloy.
“Madali lang! Kunwari nagsindi ng kandila, natabig ng daga, nadilaan ang kurtina, tapos ang isyorya.’’
“Bakit nagkandila? Hindi naman brownout?”
“Huwag mong problemahin yun. Basta nagkasunog dahil sa kandila.’’
“Saan mo ilalagay ang kandila?”
“Diyan sa kuwarto mo, saan pa?”
“Naku h’wag e di ako ang pagbibintangan.’’
“Bakit ka pagbibintangan e di ba aalis ka sabi mo bago gawin ang plano?”
“Sinabi ko ba ‘yun?”
“Oo. Sabi mo lalayas ka dahil hindi mo na makaya ang ginagawa ni Mau.’’
Nag-isip si Lyka. Parang hindi yata ganun ang plano niya. Pero puwede ring gawin kung wala nang iba pang paraan.
“Bakit ayaw mo sa lason?”
“Paano nga lalasunin e laging wala?”
Napatangu-tango si Lyka.
“Sige bahala ka kung susunugin mo pero huwag mo akong idadawit ha. Baka sumabit ako diyan.’’
Nagtawa si Kastilaloy. Hinimas ang braso ni Lyka. Pinabayaan naman ni Lyka ang matanda.
“Huwag kang matakot at hindi ka sasabit. Gagawa ako ng paraan para may ibang pagbintangan, he-he!”
“Sino ang pagbibinta-ngan?’’
“Si Gaude, sino pa? Siya lang naman ang galit kay Mau di ba?”
Gulat si Lyka.
“E wala naman si Gaude rito di ba?”
“Siya ang pagbibinta-ngan na sumunog. Siya lang ang puwedeng gumawa niyon.’’
“Paano nga mapapatunayan na si Gaude?”
“May maiiwan siyang ebidensiya. Ako ang bahala. Relaks ka lang Lyka.’’
Nag-isip si Lyka. Mukhang may “utak” ang matanda. Posible nga ang balak nito. Si Gaude lang ang pagbibintangan.
“Sige bahala ka, Tatang Dune.’’
“Ako talaga ang bahala, Lyka. Ang problema lang ay kung kailan dara-ting ang punueta!’’
“Pagbiglang sumulpot dito, gawin mo agad ang balak. Sunugin mo agad. Siguraduhin mo lang na sunog si Mau.’’
“Ako ang bahala, he-he!”
(Itutuloy)