^

Metro

Bebot na mag-aabroad, inutas ng ka-live-in

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 20-anyos na babae nang barilin ng kanyang live-in partner na nagalit makaraang hindi nito mapigilan ang una sa kagustuhang magtungo sa ibang bansa para magtrabaho, kahapon ng umaga sa lungsod Quezon.

Kinilala ni Chief Insp. Elmer Monsalve ng Criminal Investigation and Detection Unit Homicide Section ang biktima na si Darlin Juan, residente ng  Mang David St., Pascual Sub­division, Baesa sa lungsod.

Arestado naman ang suspect na live-in partner nitong si Kristopher Benedictos, 26, walang trabaho, ng nasabi ring lugar. Sa ulat ni PO2 Alvin Quisumbing, nangyari ang in­sidente, ganap na alas-5 ng umaga sa kuwarto ng mag-live-in na matatagpuan sa nasabing lugar.

Ayon kay Katrina Montemayor, kapatid ng suspect, nasa loob siya ng kanyang kuwarto nang marinig ang isang malakas na putok ng baril mula sa kuwarto ng ka­patid. Nang kanyang puntahan ang kuwarto para malaman ang dahilan ng putok, nakita niya sa lapag ang biktima na duguan. Agad na humingi ng tulong si Katrina sa ilang kapitbahay at isinugod nila ang biktima sa Pascual­ General Hospital pero idineklara rin itong dead-on-arrival, alas-5:40 ng umaga.

Dagdag ni Monsalve, sa naturang ospital na rin naaresto ang nasabing suspect.

Napag-alaman na nagtalo anya ang dalawa dahil ayaw ng suspect na mag-abroad ang biktima. Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kaliwang sentido. Narekober din sa lugar ang isang kalibre 38 baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

ALVIN QUISUMBING

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT HOMICIDE SECTION

DARLIN JUAN

ELMER MONSALVE

GENERAL HOSPITAL

KATRINA MONTEMAYOR

KRISTOPHER BENEDICTOS

MANG DAVID ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with