Jamaican tiklo sa drug bust

MANILA, Philippines - Arestado ang 26-anyos na Jamaican national dahil sa paggamit ng droga sa tinutuluyan nitong hotel kahapon sa Makati City. Nakakulong ngayon sa himpilan ng pulisya sa Makati ang suspek na si Abiola Ashimiyu, 26, binata, pansamantalang nanunuluyan sa Room 2017 Makati Palace Hotel sa P. Burgos St., Brgy. Poblacion. Base sa police report, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Task Force kaugnay sa illegal na gawain ng suspek. Kaagad na inilatag ang anti-drug bust operation laban sa suspek kung saan mabilis namang nasakote. Nasamsam sa suspek ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalias. Lordeth Bonilla

Show comments