Pahinante dedo sa masamang biro

MANILA, Philippines - Patay ang 24-anyos na truck helper matapos itong saksakin ng kanyang kainuman dahil sa pagkapikon sa biruan kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Napuruhan sa tiyan at idineklarang patay sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si  Prince Carlo De Leon,  24, ng  #80 M. Cornejo St., Barangay 161 sa Malibay.

Naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Reynante Teves,  28,  binata, isa ring  truck helper at nakatira sa naturang lugar. Sa pagsisiyasat nina SPO1 Chris Gabutin at PO3 Giovanni R. Arcinue, naganap ang krimen sa loob ng Chua Compound sa #80 M. Cornejo St., Malibay, Brgy. 161,  Zone-17 sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nag-iinuman ang dalawa habang nagkukuwentuhan  nang nagbiro ang biktima sa suspek.

Gayon pa man, hindi nagustuhan ng suspek ang biro ng biktima kaya humantong sa pananaksak (Lordeth Bonilla)

Show comments