16 preso pumuga sa QC jail

MANILA, Philippines – Naglunsad ng manhunt operation ngayong Miyerkules ang Quezon City Police District (QCPD) matapos pumuga ang 16 na preso sa Cubao Police Station  kaninang umaga.

Nakilala ang mga pugante na sina:

John Sicat (physical injury)
Benedict Guinto (violation of City Ordinance 5121) Roberto Valdez (robbery/akyat-bahay)
Roland Araneta (robbery-holdup)
CJ Nuque (robbery/snatching)
Rene Flores (violation of City Ordinance 5121),
Robert Lacaba (alarm and scandal)
Jeremy Ilena (violation of Presidential Decree 1602)
Wilmar Morales (robbery/akyat-bahay)
Emerson Castro (frustrated homicide)
Miguel Glino (violation of City Ordinance 5121)
Rigor Alejandrino (theft/shoplifting)
John Patrick Dionido (rape and robbery holdup)
Thomas Evan Labutong (violation of City Ordinance 5121)
Alvin Lorenzaga (estafa)
Dennis Natividad (violation of City Ordinance 5121).

Ayon kay PS-7 head Police Superintendent Wilson Delos Santos bandang 2:30 ng madaling araw pumuga ang mga preso.

Nakatakas ang mga preso nang magtungo sa banyo si duty desk officer, Senior Police Officer 1 Jade Gavina.

Sinibak sa pwesto sina Delos Santos at Police Superintendent Marlou Martinez, Police Superintendent Marlou Martinez habang gumugulong ang imbestigasyon ng District Investigation and Detective Management Division.
 

Show comments