^

Metro

Bilanggo sa NBP, muling nabulabog sa raid ng DOJ

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nabulabog ang mga preso sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa ikatlong pagkakataon ay muling nagsagawa ng inspection dito ang Department Of Justice (DOJ) kahapon ng umaga.

Ayon sa pamunuan ng NBP, alas-10:40 ng umaga dumating ang grupo ni DOJ Secretary Leila De Lima para magsagawa ng inspection kung tinugon ba ng mga presong nakakulong sa maximum security compound na isurender ng mga ito ang mga tinatago nilang kontrabando.

Magugunitang hanggang Disyembre 24 lamang ang ibinigay na taning ni De Lima sa mga preso para isuko ng mga ito kung anuman ang mga itinatago ng mga itong kontrabando.

Napag-alaman pa sa NBP, na hindi lang naman aniya pag-inspeksiyon ang pakay ng kalihim sa naturang bilangguan.

Umikot ang kalihim upang inspeksiyunin ang mga listahan ng mga presong maaaring  bigyan ng executive clemency ni Pangulong Noynoy Aquino.

Nabatid, na mas prayoridad aniyang mabibigyan ng executive clemency ay ang mga presong may mga edad na at may mga sakit, kung saan ito aniya ay regalo ng Pangulo kay Pope Francis sa pagbisita nito sa Pilipinas sa darating na Enero 15 hanggang 19, 2014.

 

AYON

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISYEMBRE

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

PANGULONG NOYNOY AQUINO

POPE FRANCIS

SECRETARY LEILA DE LIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with