Bebot kalaboso sa baril

MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang 18-anyos na babae matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nadakip na si Michelle Casano, dalaga, ng Republic Ave­nue Brgy. Holy Spirit, sa lungsod.

Ayon kay SPO2 Mamerto Gorme ng Quezon City Police District Station 6 Batasan nadakip ang suspek sa Gulayan Site Republic Avenue, Brgy Holy Spirit, dakong ala-1:45 ng madaling araw.

Sinabi ni Gorme na inireklamo ng witness na si Marissa Salazar ang suspek sa Brgy. Hall ng Brgy. Holy Spirit dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril.

Matapos dumating ang mga barangay tanod sa lugar agad kinuha ang baril ng suspek na isang .38 kalibre saka ito inaresto.

Kasalukuyan ngayon nahaharap sa kasong illegal possession of firearm ang suspek.

Show comments