Salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang la­laki na pinaniniwalaang sinalvage ang lumu­tang sa Pasig River sa likod ng Philippine Postal Office sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Nakabalot ng packaging tape ang buong mukha at maging mga kamay at mga paa ng biktima na tadtad rin ng saksak sa dibdib. Inila­rawan ito sa  edad na 30-40,  nakasuot ng  t-shirt na stripes short pants na brown, may tattoo na tribal sa dibdib.

Sa ulat ni SPO1  Christian Caparas ng Manila Police District-Homicide Section,  bandang ala-1:00 ng hapon nang mamataan ang bangkay sa ilog sa liku­rang bahagi ng post office main.

Inilagak ang bangkay sa  St. Rich Funeral Services.

Show comments