^

Metro

Ngayong pasko riot sa Bilibid, ibinanta ng mga preso

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpatupad  ng heigh­tened alert ang pamunuan ng New Bi­libid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa umano’y banta ng ilang preso na magi­ging ma­dugo ang pagdiriwang ng Pasko sa naturang bilangguan da­hil sa posibleng riot kapag ipinagpa­tuloy ng Department Of Justice (DOJ) ang raid na isinagawa nila dito.

Ayon sa isang mapapagkatiwalaang impormante  sa NBP, posibleng magkaroon ng riot sa naturang bilangguan bago magbisperas ng Pasko para mariing tutulan ang isinasagawang hakbangin ng DOJ at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa kanila.

Sinabi pa ng impormante, na demoralisado aniya ang maraming preso dahil sa hakbangin ng NBP laban sa kanila, dahil maraming inmate aniya ang nadadamay dito.

Napag-alaman pa rin na tinatayang nasa 20,000 preso sa NBP ay pawang armado at posible aniyang magi­ging madugo ang susu­nod na pagsalakay na gagawin ng DOJ at NBI, dahil nagbanta ang ilang preso dito  na sila umano ay manlalaban sa mga awtoridad.

Dahil sa impormas­yong ito ay nagpatupad ng heightened alert sa NBP upang maiwasan ang posibleng riot dito.

Samantala, ayon na­man kay dating NBP  Supt. Celso Bravo, na handa siyang magpa­­sailalim sa imbes­tigas­yon hinggil sa umano’y nagaganap na katiwalian sa naturang bilangguan.

Ayon pa rito,  apek­tado na umano ang kan­yang pamilya hinggil sa nasasangkot ang pa­ngalan niya sa naturang  kontrobersiya.

Nabatid na nagsa­gawa ng sunud-sunod na pagsalakay ang NBI sa pamumuno ni De Lima, kung saan nakakumpiska ng mga droga, armas, pera at iba pang kontrabando sa loob ng naturang bilangguan. (Lor­deth Bonilla)

AYON

CELSO BRAVO

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW BI

PASKO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with