^

Metro

Manila Dialysis Center bukas na sa publiko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang binuksan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno  ang Manila Dialysis Center sa Gat Andres Bonifacio Memorial and Medical Center kung saan  nagsimula na ring bigyan ng ayuda ang may 28 pasyente rito.

Ayon kay Estrada, ang  MDC ang makatutulong sa mga pasyenteng sumasaila­lim sa dialysis na gumaling sa tulong ng city government. Aniya, posibleng gumaling o madugtungan ang buhay ng mga pasyente na matagal nang nahihirapan sa kanilang sakit bunsod ng mahal na­ pag­papagamot.

Giit ni Estrada, ang lahat ng mga mahihirap na Manilenyo ay walang anumang ba­bayaran sa pagpapa-dialysis.

Pinaalalahanan din ni Es­trada ang lahat ng mga hos­pital director na tiyaking wa­lang sinisingil sa mga may orange card na pasyente

Sinabi naman ni  GABMMC at MDC  Director Luisa Aquino na  target  ni Estrada na magkaroon ng  60 dialysis machine sa July 2015. Sa ngayon aniya­  ang  ratio ay 1:9 o isang  ma­chine sa bawat siyam na pas­yente ang nangyayari.

Pinayuhan naman ni Moreno­ ang mga Manilenyo na  huwag sayangin ang orange card at  magpatingin sa health center at sa anim na ospital ng lungsod kung may nararamdamang sakit.

Nilinaw din ito na ang  orange­ card ay iniisyu sa bawat pa­milya. Ang  sinumang miyembro ng pamilya ay maaaring gumamit ng orange card  sa sandaling maibigay ng Manila Social Welfare Department.

Ang orange card ay bini­bigay ng  MSWD sa pamumuno  ni Dr. Honey Lacuna-Pa­ngan matapos na sumailalim sa   eva­luation.

Samantala, pinabula­anan ni Lacuna-Pangan ang isyu na hindi na sila mag-iisyu ng orange card. Aniya, tuluy-tuloy pa rin ang pag-iisyu nito hangga’t may aplikante.

ANIYA

DIRECTOR LUISA AQUINO

DR. HONEY LACUNA-PA

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL AND MEDICAL CENTER

MANILA DIALYSIS CENTER

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with