^

Metro

Brgy. ex-officio, itinumba ng mga nakamotorsiklo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bulagta ang isang barangay ex-officio matapos itong pagbabarilin ng isa sa apat na kalalakihan na nakasakay ng dalawang motorsiklo habang ang una ay naka­upo malapit sa outpost sa Malabon City kama­kalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Alfonso Medical Center sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng .9mm caliber pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan  ang biktimang si  Rodel Morales, 47, ng Brgy. Pang­hulo, Malabon City at naninirahan sa naturang lugar.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at ina­alam pa ang pagkakakilanlan sa apat na suspek.

Base sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, naganap ang insidente  alas-8:45 ng gabi malapit sa barangay outpost na matatagpuan sa Panghulo Road, Barangay  Panghulo ng naturang lungsod.

Kasalukuyang nakaupo ang biktima malapit sa outpost nang dumating ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki at nang makita ng mga ito ang kanilang target ay mabilis ding umalis.

Makalipas ang ilang minuto ay  dumating naman ang isa pang motorsiklo sakay ang dalawa ring lalaki at nang malapit na ang mga ito sa biktima ay agad na binunot ng isa sa mga suspek ang dalang baril at walang sabi-sabing pinutukan si Morales.

Matapos ang pama­maril ay mabilis na tumakas ang mga suspek at ang biktima naman ay dinala sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

Patuloy na nagsasagawa na masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung may kinalaman sa kanyang trabaho bilang opisyal sa barangay  ang ginawang pagpatay sa biktima.

ALFONSO MEDICAL CENTER

BRGY

BULAGTA

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

PANGHULO ROAD

RODEL MORALES

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with