‘Tulak’ hulog sa bitag

MANILA, Philippines – Isang ‘tulak’ sa droga na itinuturing na number one sa listahan ng pulisya ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Nakakulong ngayon sa Las Piñas City Police detention cell ang suspek na si Rodrigo San Miguel,  nakatira sa Opal St., Saint Mary’s Homes, Brgy. Almanza 1 ng naturang lungsod.

Ayon sa report na natanggap ni Senior. Supt. Adolfo Samala­ Jr., hepe ng Las Piñas City Police, alas-2:30 ng hapon nang madakip ang suspek sa naturang lugar sa isang buy-bust operation na isinagawa ng operatiba ng  Station Anti-Illegal Drugs Special Task Force (SAID-SOFT).

Nakumpiska rito ang dalawang plastic sachet na nagla­laman ng shabu.

Base sa rekord, ang suspek ay itinuturing na nasa number 1 sa listahan ng mga pulis na sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Sinampahan ang naturang suspek  ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Anti-Dangerous Drug Act).

Show comments