^

Metro

Solvent boys sa Maynila, susuyurin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinadadampot ni Manila Police District (MPD) director Senior Supt. Rolando Nana sa kanya-kanyang mga station commanders ang mga naglipanang mga solvent boys sa Maynila kasunod ng  traumang sinapit ng isang Adam­son student kama­kailan.

Si Carl Francis Abarro, 18, ay pinagtripan ng lima hanggang pitong solvent boys na binully at inihulog sa manhole  sa Gomburza St. habang papauwi noong Nobyembre 17.

Aniya, kahit kanino ay maaaring mangyari ang sinapit ni Abarro. Tumagal ng anim na araw sa loob ng manhole si Abarro ng walang pagkain at inumin.

Ayon kay Nana, kaila­ngan na i-rescue at madala sa Manila Social Welfare Department ang mga solvent boys na lulong na sa bisyo at malalim na ang epekto  sa kanilang mga isip kung kaya’t nakakagawa ng masama sa mga inosenteng sibilyan.

Nabatid kay Nana na marami na silang natatanggap na report at reklamo hinggil sa pagdagsa ng mga solvent boys sa Maynila, partikular sa  Lawton.

Magdaragdag na rin ng police visibility sa Lawton upang mas mabigyan ng proteksiyon ang publiko.

ABARRO

GOMBURZA ST.

LAWTON

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

MAYNILA

ROLANDO NANA

SENIOR SUPT

SI CARL FRANCIS ABARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with