MANILA, Philippines - Anim na katao ang sugatan sa sunog na tumupok sa nasa 200 tirahan sa lungsod ng Malabon ngayong Miyerkules.
Nakilala ang mga sugatan na sina Rodel Mabute, 36; Ogie Basco, 17; John Michael Alunsaga, 22; Roderick Cruz, 18; Nino Cruz 35; at Mark Anthony dela Cruz, 25.
Ayon sa pangunang imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa kalye ng C. Perez sa Tonsuya, Malabon City.
Palyadobg linya ng kuryente dahil sa mga ilegal na nagkakabit ang tinitignang sanhi ng sunog.
Aabot sa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan ilang araw bago magpasko.
Tinatayang nasa P2 milyong piso ang halaga ng ari-arian na tinupok ng sunog.