^

Metro

2 pang parangal nakopo ng Taguig

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang bagong parangal sa Pamahalaang lokal ng Taguig ang nadagdag sa listahan nang pagkilala bunga ng mga programang ipinatutupad nito. Noong Nobyembre 28, ginawaran ang Taguig ng ‘Seal of Child Friendly Local Go­vernance’ ng Council for the Welfare of Children (CWC) dahil sa paghahatid ng serbisyo para sa pangangalaga at pagsusulong ng kapakanan ng kabataan at pagkilala ng Fede­ration of Associations of Private Schools & Adminis­trators (FAPSA), sa kanilang 17th General Assembly si Taguig Mayor Lani Cayetano kaugnay sa programa para mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Sinabi ni  Cayetano, malaking karangalan sa Taguig ang mga nasabing pagkilala  na mas lalong nagbibigay ng inspirasyon upang mapabuti pa ang  sistema. Ayon kay Department of Interior and Local Government-Taguig Director Gemma Dancil, ang pinarangalang LGUs ay pinili batay sa resulta nang isinagawang ‘child-friendly local governance audit’ para alamin ang performance ng local government unit sa pagpapaabot ng social services na para sa kapakanan ng kabataan.

Ang FAPSA naman ay kinilala ang  inilunsad na Taguig Learners Certificate (TLC) Program - ang pinahusay na bersyon ng DepEd GASTPE Program. Sa ilalim ng TLC program, ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay pinagkakalooban ng scholarships para makalipat sa private schools. Ang mag-aaral na bahagi ng TLC program at nailipat mula sa public­ school ay tumatanggap ng mas mataas na tulong pinan­syal kumpara sa ibinibigay ng GASTPE program.

ASSOCIATIONS OF PRIVATE SCHOOLS

GENERAL ASSEMBLY

NOONG NOBYEMBRE

SEAL OF CHILD FRIENDLY LOCAL GO

TAGUIG

TAGUIG LEARNERS CERTIFICATE

TAGUIG MAYOR LANI CAYETANO

WELFARE OF CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with