^

Metro

14 fratmen, pinakakasuhan sa Servando hazing

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinakakasuhan na ng Department of Justice sa Makati Regional Trial Court ang 14 na katao na sinasabing responsable sa pagkamatay ng estud­yanteng si Guillo Cesar Servando sa naganap na hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity ng De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-CSB) chapter noong Hunyo 28.

Batay sa 24-pahi­nang resolusyon na may petsang Nobyembre 5 nakakita ng probable cause ang panel of pro­secutors na kinabibi­la­ngan nina Prosecutor Ge­neral Claro Arellano at As­sistant State Pro­secutor Stewart Allan Mariano para kasuhan ng pag­labag sa Republic Act No. 8049 o Anti-Hazing Law  ang  14 na katao.

Ang mga pinakakasuhan ay kinabibilangan nina Cody Errol Morales; Daniel Paul Martin Bautista, alias Pope Bautista; Esmerson Nathaniel Calupas, alias Emeng; Hans Killian Tatlonghari, alias Hans Tamaring; Eleazar Pablico, alias Trex Garcia; Vic Angelo Dy; Mark Andrew Ramos; Michael David Castañeda; Justin Francis Reyes, alias Rayjay at Jayray; Kurt Michael Almazan, John Kevin Navoa; isang  alias Kiko; alias Bea at Jane Doe.  Karamihan sa mga suspek ay miyembro ng  Tau Gamma Phi.

Pinawalang-sala naman dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya sina Jemar Pajarito, ang caretaker ng bahay sa Palanan, Makati City kung saan nangyari ang hazing; Luis Solomon Arevalo, Carl Francis Loresca, Steven Jorge Peñano, Ma. Teresa Dayanghirang at Alyssa Federique Valbuena. 
Batay sa resolusyon, hindi kabilang ang anim sa mga nanakit kay Ser­vando, at sa kap­wa neophytes nitong sina John Paul Raval, Lorenze Anthony­ Agustin at isang menor-de-edad.

Sinabi ni Prosecutor Mariano na inaprubahan na rin nila ang pagiging state witness nina Pajarito at Arevalo.

Ayon sa panel,  ang  positibong pagkilala  at testimonya nina Pajarito at Arevalo ay hindi naman kinontra ng mga suspek kung kaya’t na­niniwala  silang nagsasabi ang mga ito ng  totoo.

Nagpasalamat naman si Aurelio Servando, ama ng biktima sa  paglalabas ng resolus­yon. Umaasa umano siya na may madadakip na sa mga suspek. Aniya, kilala na din  nila sina “Kiko” at “Bea.”

Matatandaang nag-isyu ang DOJ ng lookout bulletin order laban sa mga suspek upang mamonitor  sakaling lu­mabas ng bansa.

Subalit  ayon naman sa Bureau of Immigration (BI) nakalabas na ng bansa ang  apat sa mga suspek na kinabibilangan nina Calupas, Tatlonghari, Pablico, at Navoa bago pa  nailabas ang  LBO.

vuukle comment

ALIAS

ALYSSA FEDERIQUE VALBUENA

ANTI-HAZING LAW

AREVALO

AURELIO SERVANDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with