Brgy. tanod tinodas, itinapon sa dagat

MANILA, Philippines - Pinatay muna bago itinapon sa dagat ang isang barangay tanod na  natagpuang palutang-lutang sa bahagi ng North harbor sa Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Samuel Barnobal, ng Brgy. 105  at residente ng Sitio Damayan, Tondo, Nagtamo ito ng  tama ng bala ng baril sa dibdib at kaliwang balikat.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng MPD-Homicide Section, dakong  alas- 3:00 ng hapon nang mamataang may lumulutang na katawan sa dagat na sakop ng Sitio Damayan, sa Brgy. 105.

Nang usisain ng mga residente,  isang Edgar Morallos ang kumilala sa bangkay, na nagsabing bayaw niya ang biktima.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Nob­yembre 29, 2014 alas-10:00 ng gabi habang naka-duty at naglalakad sa Aroma outpost.

 

Show comments