^

Metro

Kaya trapik uli P2-M koleksiyon kada linggo sa UV express

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa mahigit P2 milyon ang  koleksiyon sa mga UV Express na nagteterminal sa Lawton kada  Linggo.

Ito naman nakasaad sa dokumento ang kasabay ng pag-amin ng isang barangay official na ang P2,310,000.00 ang nakokolektang halaga kada linggo sa 700 UV express na bumibiyahe. Ayon sa source wala pa rito ang mga nakokolekta mula sa  mga bus.

Nabatid na may tig 250 unit ang bumibiyahe ng Molino, Cavite at Moonwalk, Cavite habang 200 units naman ang sa Paliparan, Parañaque. Ang 700 UV express ay nagbabayad ng P150 kada biyahe.

Binigyan diin ng source na ito rin ang dahilan kung bakit malaya na namang nakakapag-operate ang mga UV Express.

Ikinagulat naman ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  muling pamamayagpag ng  UV Express sa Lawton. Aniya, paiimbestigahan niya ang  isyu matapos na makatanggap ng impormasyon na hawak ito ng isang barangay official at ilang pulis.

Sinabi ni Estrada na sa  koleksiyong ito, nagdurusa naman ang mga commuters dahil nagpapasikip pa sa  mga kalsada ang mga UV express na nakahimpil sa daanan ng mga public utility vehicle.

Tiniyak ni Estrada na mananagot ang sinumang  nagbigay ng ‘go signal’ sa operasyon ng UV express sa Lawton.

ANIYA

AYON

BINIGYAN

CAVITE

EXPRESS

LAWTON

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with