MANILA, Philippines - Nagdulot ng tensiyon sa mga estudyante at empleyado ang kahina-hinalang kahon na iniwan sa men’s comfort room ng Far Eastern University (FEU) sa CM Recto, Maynila, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 4, dakong alas-3:25 ng hapon nang maganap ang tensyon sa ikatlong palapag ng nabanggit na unibersidad.
Nabatid na habang naglilinis ang janitor na si Efren Agbuan Jr., nang mamataan nito ang kahon na nasa ibabaw ng bintana ng palikuran kaya pinagdudahan dahil sa mahigpit na pagkakatali at may nakausli na wiring.
Kaagad na ipinaabot ni Agbuan kay P/Supt. Marian Muarip kung saan kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division.
Subalit sa pagsusuri ay negatibo naman sa bomba at natuklasang mga basag na bombilya, pako at kable ng kuryente ang laman ng kahon.