^

Metro

FEU binulabog ng kahon sa palikuran

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdulot ng tensiyon sa mga estudyante at empleyado ang kahina-hinalang kahon na iniwan sa men’s comfort room ng Far Eastern University (FEU) sa CM Recto, Maynila, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 4, dakong alas-3:25 ng hapon nang maganap ang tensyon sa ikatlong palapag ng nabanggit na unibersidad.

Nabatid na habang naglilinis ang janitor na si Efren Agbuan­ Jr., nang mamataan nito ang kahon na nasa ibabaw ng bintana ng palikuran kaya pinagdudahan dahil sa mahigpit na pagkakatali  at may nakausli na wiring.

Kaagad na ipinaabot ni Agbuan kay P/Supt. Marian Muarip kung saan kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division.

Subalit sa pagsusuri ay negatibo naman sa bomba at natuklasang mga basag na bombilya, pako at kable ng kuryente ang laman ng kahon.

AGBUAN

EFREN AGBUAN

EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

FAR EASTERN UNIVERSITY

KAAGAD

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARIAN MUARIP

MAYNILA

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with