^

Metro

Kawatang taxi driver, arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalambat na ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang notoryus na holdaper na taxi driver na miyembro ng ‘Ipit taxi gang’ at itinuturing na no.1 most wanted person sa Eastern Police District matapos ang pagsalakay sa kanyang lungga sa lungsod, kamakalawa.

Ayon kay Insp. Alan dela Cruz, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group Theft and Robbery Section, si Romeo Gonzales, 53, ng Sitio Kumunoy Bagong Silangan sa lungsod ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Maria Felomina Singh.

Nabatid kay Dela Cruz na ang suspect ay sangkot sa limang kaso ng robbery at illegal possession of firearms at acts of lasciviousness sa lungsod.

Ang huling biktima ng suspect ay isang Junie Anne Mariano­, 35, dalaga, missionary ng Taguig City na hinoldap niya sa may isang shopping center sa Connecticut St., Greenhills San Juan City noong Nov. 19, 2014, ganap na alas-5:50 ng hapon.

Samantala, ganap na alas-10:30 ng gabi nang maaresto ng tropa ng QCPD ang suspect sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Bagong Silangan.

Sa tanggapan ng CIDU sa Camp Karingal ay lumutang si Mariano at personal na kinilala ang suspect na siyang nambiktima sa kanya.

Nanawagan naman ang QCPD sa mga residenteng nabiktima ng suspect na magpunta sa kanilang tanggapan para kilalanin ang suspect at mapagsama-sama ang kasong isasampa laban dito.

vuukle comment

BAGONG SILANGAN

CAMP KARINGAL

CONNECTICUT ST.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP THEFT AND ROBBERY SECTION

DELA CRUZ

EASTERN POLICE DISTRICT

GREENHILLS SAN JUAN CITY

JUDGE MARIA FELOMINA SINGH

JUNIE ANNE MARIANO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with