^

Metro

Pekeng enforcer tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang lalaki na nahuli sa akto na nagpapanggap na traffic enforcer at nangingikil umano sa mga tsuper ng pampasaherong jeepney sa Caloocan City.

Kasong “usurpation of authority at illegal possession of deadly weapon” ang isasampa kay Reymond Almodiente, 26,  ng no. 1509 Sawata Area 1 Maypajo, Bgy. 39, ng naturang lungsod. Sa ulat, dakong alas-3 kamakalawa ng hapon nang matiyempuhan ni Paul Christian Victorio, 33, ng Department of Public Safety and Traffic Management ng Caloocan City Hall ang suspek na nakasuot ng kulay orange na uniporme ng kanilang opisina at namamara ng mga pampasaherong jeep sa may A. Mabini St., Maypajo, Brgy. 33, ng natu­rang lungsod.

Dahil sa hindi kilala, agad na tinawag ni Victorio ang mga kasamahan upang kumprontahin ang suspek. Ngunit nakahalata umano ito at nagtangkang tumakas kaya nagkaroon ng habulan hanggang sa masakote si Almodiente. Bukod sa pekeng uniporme, nakuha rin sa suspek ang isang pekeng DPSTM identification card at ang naturang balisong.

Bineripika naman ni DPSTM chief, Larry Castro na hindi niya tauhan si Almo­diente. Agad na ipinasa ng DPSTM ang kustodiya sa Caloocan City Police at sinampahan ng kaukulang kaso. Ayon kay Castro, sangkot ang suspek sa puwersa­hang pamamara at pangingikil sa mga tsuper ng jeep sa pa­mamagitan ng paggawa ng imbentong mga bayolasyon sa batas trapiko.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN CITY POLICE

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

LARRY CASTRO

MABINI ST.

MAYPAJO

PAUL CHRISTIAN VICTORIO

REYMOND ALMODIENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with