Agawan sa tulugan pinag-ugatan kargador utas sa kapwa kargador

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang 62-anyos na kargador sa palengke dahil sa pagpatay sa kapwa kargador na nanadyak sa kaniya habang natutulog  sa Divisoria market sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi pa kilala ang na­sawing kargador na inilarawan sa edad na 40-45; 5’4’’ ang taas; katamtaman ang pangangatawan at wala umanong permanenteng tirahan, na sinasabing sinaksak ng gunting ng suspek na si Dominador Zapata , binata,  kargador at walang permamnenteng tirahan sa lungsod.

Sa ulat ni  PO2 Dennis Turla, ng Manila Police District-Homicide  Section, dakong alas-9:00 ng gabi  nang magulat umano ang suspek dahil sa lakas ng tadyak ng biktima habang siya ay nakatulog sa harapan ng gusali sa Carmen Planas St.,Tondo.

Dahil sa naalimpungatan sa pagtulog ay nagalit ito at nakipagsuntukan sa biktima hanggang sa maagaw niya ang hawak na gunting na hawak nang huli na siyang ipinangsaksak dito.

Nang bumulagta na ang biktima ay nagtangkang tumakas ni Zapata subalit naharang siya ng mga barangay tanod  at dinala sa MPD-Station 2.

Show comments