Checker sa pier, pisak sa trailer truck

MANILA, Philippines – Nagmistulang papel ang isang 58-anyos na checker  makaraang maatrasan  ng trailer truck at maipit  pa sa nakahimpil na chasis, kamakalawa ng gabi sa loob ng  North   Harbor sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang  biktimang si  Loreto Mintalar ng Block 11 Lot 26, Brgy., San Jose GMA, Cavite,  habang kasalukuyang isinasailalim sa interogasyon si  Carmelito Palomares, 43, driver ng trailer truck.

Sa ulat ni  Det. Charles John Duran, kay Senior. Insp. Steve Casimiro hepe  ng Manila Police District (MPD)-Homicide  Section,   dakong alas-10:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Slip 3, sa Pier 2, sa North Harbor,Tondo.

Bago ang nasabing insi­dente, kasalukuyan umanong  nagsasagawa ng pagbibilang ang biktima sa nakabukas na container van, nang umano’y  aksidenteng maatrasan ng hila nitong  chasis mula sa minamanehong truck head (YT11) ni Palomares at maipit ang katawan nito sa isa pang  chasis na kinakargahan ng iba pang mga cargoes.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya si Palomares at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments