MANILA, Philippines – Lagpas na sa completion date ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga inaayos na kalsada sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority MMDA).
Dahil dito humihingi ng paliwanag si MMDA chairman Francis Tolentino sa DPWH kung bakit hindi pa tapos ang mga isinasaayos na kalsda na nagiging sanhi ng pagbigat lalo ng daloy ng trapiko.
"Most of the 24 pending road projects should have been finished July 29, September 3 and October 11, 2014," wika ni Tolentino.
"We need to know the reasons for such delays. I'm sure there is a valid reason for that.”
Aniya, hindi nila mabuksan ang mga “Christmas lanes” na dahil sa mga hindi pa tapos na proyekto ng DPWH.
"The delays are causing us problems in case we will revive the Christmas lanes because some of the roads are still under repair.”
Nitong nakaraang taon ay 17 ruta ang ginawang Christmas lanes ng MMDA na naglalayong bigyan ng alternatibong daanan ang mga motorista.