Lumundag sa 25th floor ng hotel Lasalista lasog ang katawan, sabog ang bungo
MANILA, Philippines – Lasog ang katawan, sabog ang bungo at kumalat pa ang utak at bituka ng isang Filipino-German citizen na graduating student ng De La Salle University (DLSU)-Manila matapos umanong tumalon mula sa ika-25th floor ng isang hotel sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima batay sa kanyang identification card na si John Michael Lingad, 26, residente ng No. 29 Mystic Rose Drive, Quezon City.
Sa imbestigasyon nina SPO1 Joemer Puzon at SPO1 Emmanuel Ermino ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, ang insidente ay naganap dakong alas-11:10 ng gabi sa isang hotel na
matatagpuan sa kahabaan ng Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Nabatid na nag-check-in ang biktima mag-isa sa nasabing hotel dakong alas-5:45 ng hapon noong Sabado at inukopa ang Room No. 2510 na nasa 25th Floor.
Pagsapit ng bago maghating-gabi ay nakarinig umano ang security guard ng hotel na si Marlon Padilla, ng isang malakas na kalabog sa bahagi ng driveway.
Kaagad naman umano itong siniyasat ng guwardiya at laking gulat niya nang bumulaga sa kanya ang lasug-lasog na bangkay ng biktima na halos mabura ang mukha sa tindi nang pagkabasag ng bungo nito.
Kumbinsido naman ang mga awtoridad na sadyang nagpakamatay ang biktima at wala aniya silang nakikitang foul play sa insidente.
Iniimbestigahan na rin nila ang nakita nilang isang notepad na may logo mismo ng hotel, kung saan isinulat ng biktima ang mga katagang, “Feb. 14, 2014 I wish to go back to those times.”
May nakapatong pa umano sa notepad na isang picture ng isang Pinay, na inaalam pa kung kaanu-ano nito.
Tinunton na ng mga awtoridad ang tahanan ng tiyahin ng biktima, kung saan ito nakikitira, dahil ang mga magulang umano nito ay nakatira sa Estados Unidos.
- Latest