^

Metro

Malakihang earthquake drill, kasado na sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinasa na ng Quezon City ang kanilang pakikiisa sa takdang pagsasagawa ng 4th Quarter Nationwide Simul­ta­neous Earthquake Drill (NSED).

Ang drill sa lungsod ay isasagawa sa Quezon Memorial Circle (QMC) bukas, Nobyembre 14 ganap na alas-9 ng umaga.

Ang earthquake drill ay pa­ngungunahan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) na dadaluhan ng mga piling ba­rangay ng lungsod at mga empleado ng QC hall, QC Police District, QC Bureau of Fire Protection, mga tauhan sa mga paaralan at pagamutan.

Sa pamamagitan ng earthquake drill ay malalaman ang kahandaan ng lungsod  sa pagtama ng kalamidad tulad ng lindol.

Armado ng mga makaba­gong kagamitan at pasilidad at drill at mayroon din ditong mga stage camps, incident command posts (ICP), helibase, soup kitchen at evacuation camps sa QC  Memorial­ ­Circle.

Gagamitin naman ng QCDRRMC ang Incident Command System forms (ICS) para matiyak na ligtas ang lahat ng kasali sa drill at maayos na mapapangasiwaan ito.

ARMADO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

INCIDENT COMMAND SYSTEM

POLICE DISTRICT

QUARTER NATIONWIDE SIMUL

QUEZON CITY

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with