^

Metro

Illegal vendor, illegal parking winalis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagulantang ang mga vendor at maging ang mga mamimili nang sabay-sabay na nilinis ng   magkakasanib na puwersa ng  Manila Police District, Manila Assistance and Special Assignment ang iba’t ibang  lugar sa Quiapo, Maynila kamaka­lawa laban sa mga illegal vendor, basura at mga nakaparadang sasakyan.

Ayon  kay MPD Director, Sr. Supt. Rolando Nana, masyado na umanong marumi ang  lugar  laban sa mga illegal na vendors at illegal parking kung kaya’t panahon upang  maturuan ng di­siplina ang mga  nagpupuwesto dito.

Paliwanag ni  Nana, kailangan na panatilihin at ipatupad ang kalinisan at tamang asal  sa paligid ng  simbahan lalo pa’t sentro nito ang  Basilica ng  Itim na Nazareno.

Nabatid na  pinangunahan nina MPD Chief Directorial Staff, Sr. Supt. Gilbert Cruz, MASA chief, Chief Insp. Bernabe “Jojo” Iriñco, Jr. , MASA  Chief of Staff , Capt. Jaime de Pedro  at Plaza Miranda-PCP chief, Insp. Rommel Anicete ang paggalugad sa kalye ng  Paterno, Raon, Carriedo, Palanca at Plaza Miranda.

Giit ni  Nana, kaila­ngan ng pulisya ng  ko­ope­rasyon ng  mga vendors at maging mga commuter upang maibalik sa dati ang  kalinisan at kaayusan sa Quiapo.

Marami na aniyang  reklamo mula sa  iba’t ibang sector kung kaya’t  kailangan namang ku­miling ng  pamahalaan.

Nabatid naman kay Iriñco na maraming illegal structure ang giniba na matagal na sa lugar at nakakapagpasikip sa daloy ng mga sasakyan.

CHIEF DIRECTORIAL STAFF

CHIEF INSP

CHIEF OF STAFF

GILBERT CRUZ

PLAZA MIRANDA

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with