^

Metro

District Anti-Illegal Drugs Unit ng MPD, dinisarmahan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinisarmahan kahapon ni Manila Police District (MPD) Acting Director Chief Supe­rintendent Rolando Nana ang mga miyembro ng District Anti-Illegal Drugs matapos ang sorpresang inspeksiyon kung saan nakakuha sa kanilang mga locker ng iligal na droga, pera at paraphernalia sa pagsinghot ng shabu.

Ayon kay Nana, ang inspeksiyon ay bilang paglilinis niya sa sariling bakuran laban sa iligal na droga.

Dakong alas-8:00 ng umaga kahapon nang isa­gawa ang inspeksiyon sa lahat ng mga tauhan ng DAID, District Intelligence Division (DID) at District Special Ope­ra­tion Unit (DSOU) at nang makatanggap ng impor­masyon si Gen. Nana hinggil sa iligal na droga na itinabi diumano ng mga operatiba, tinungo nito ang DAID office at dinistrungka ang lahat ng locker.

Doon na tumambad ang mga nakatago umanong shabu, pera at ilang parapher­nalia sa shabu. Dinisarmahan ang 10 DAID members.

Agad na ring iniutos ni Nana sa Pre-Charge Eva­luation Unit na imbestigahan ang mga operatiba ng DAID at isalang sa drug tests.

Nakadepende pa umano sa lalabas na resulta ng imbestigasyon kung sila ay makakasuhan ng criminal at administratibo, o maari namang manatili sa pwesto sakaling makapagpaliwanag hinggil sa mga ebidensiyang nakita sa kanilang locker.

vuukle comment

ACTING DIRECTOR CHIEF SUPE

DINISARMAHAN

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

DISTRICT SPECIAL OPE

MANILA POLICE DISTRICT

PRE-CHARGE EVA

ROLANDO NANA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with