Totoy binoga sa ulo

MANILA, Philippines – Patay ang isang 16-anyos na binatilyo matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang nakatambay ang una sa Malabon­ City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Jericho Prano, ng Manapat St., Brgy. Taniong ng naturang  lungsod.

Sa imbestigasyon nina PO3 Jun Belbes at PO2 Benjamin Sy, ng Criminal Investigation Division (CID), Malabon City Police, naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling araw sa kahabaan ng Adante St., Brgy. Taniong habang ang biktima ay nakatambay sa nabanggit na lugar nang lapitan ito  ng suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek. Patuloy pang inaalam ng pulisya kung sino ang posibleng may gawa sa krimen at kung ano ang motibo.

Show comments