^

Metro

Anti-barking ordinance ikinasa Barker wawalisin sa Valenzuela City

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang mawawalis na sa lahat ng lansangan sa Valenzuela City ang mga pasaway na barker na nagtatawag ng pasahero sa kalsada at mistulang nangongotong na sa mga pampasaherong tsuper. Ito ay sa oras na maipasa ang panukalang “Anti-Barking Ordinance” sa konseho.

Sa impormasyong nakalap ng PSN kay Valenzuela Public Information Officer,  Ahna Mejia, sinabi nito na binubuo na ngayon ng “majority” ng City Council at naka-pending para sa deliberasyon ang naturang ordinansa. Layon ng ordinansa na matanggal ang mga barker na nagkalat sa mga kalsada sa lungsod base na rin sa sumbong ng taumbayan sa social networking accounts ng pamahalaang lungsod sa Facebook at Twitter.

Sa mga sumbong na nakarating, pinakatalamak ang dami ng pasaway na barker sa Gen. Luis Street sa may Malinta Exit sa Brgy. Bagbaguin kung saan maging mga lalaking menor-de-edad ay sumasabit, nagtatawag ng pasahero sa mga “no loading, no unloading” na lugar at puwersahang nanghihingi ng pera sa mga tsuper. Nagiging sanhi  umano  ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga barker na nagiging promotor ng illegal terminals ng jeep sa lungsod. Reklamo naman ng mga driver, kapag hindi nabibigyan ang mga siga-sigang barkers ay piniperwisyo sila sa pamamagitan ng pagpapain ng pako sa gulong ng kanilang mga sasakyan at pananakot.

 

AHNA MEJIA

ANTI-BARKING ORDINANCE

BAGBAGUIN

CITY COUNCIL

LUIS STREET

MALINTA EXIT

VALENZUELA CITY

VALENZUELA PUBLIC INFORMATION OFFICER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with