Lalaki nagtangkang tumalon mula sa bubungan ng MRT station

MANILA, Philippines - Pagsisikip ng daloy ng trapiko sa EDSA ang ibinunga ng pagliligtas sa isang lalaking nagtangkang tumalon mula sa bubungan ng MRT-Kamuning station ngayong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa ulat ng dzMM, nakilala lamang sa pangalang Carlo ang lalaking umakyat sa bubungan ng southbound station ng MRT pasado alas-5 ng umaga.

Kaagad naman rumesponde ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection na naglagay ng airbag sa EDSA.

Bandang 6:30 na nailigtas ang lalaki na may problema umano sa pamilya.

Show comments