Mga magulang ni Enzo, nagharap ng petisyon para makuha ang kustodya sa 2 apo
MANILA, Philippines - Nagharap kahapon ng petisyon sa Makati City Regional Trial Court, Branch 136 bilang family court ang mga magulang ng pinatay na race car driver na si Ferdinand “Enzo” Pastor hinggil sa kustodya ng dalawang menor-de-edad na anak nitong lalaki.
Sa pitong pahinang opposition ng mag-asawang Tomas at Remedios Pastor, hiniling ng mga ito sa korte na ilipat sa kanila ang kustodiya sa dalawang anak ni Enzo.
Hiniling pa rin nila sa korte na ibasura ang isinampang petition ng mga magulang ng kanilang manugang na si Dalia noong Setyembre 1, 2014, hinggil sa payagan silang maging permanenteng mangangalaga sa dalawang anak nila ni Enzo.
Sa unang isinampang petition ng mga magulang ni Dalia na sina Xavier at Valerie Guerrero na bukod sa ibig nila na permanenteng makuha ang kustodya sa kanilang dalawang apo nais din ng mga ito na magkaroon sila ng control hinggil mga negosyo at kayamanan na minana ng dalawang bata.
Sa petition ng mga magulang ni Enzo, kinukuwestiyon nila ang moral at social character ng mga magulang ni Dalia, na sinasabing tinutulungan ng mga ito na iwasan ang kinakaharap na murder case ng kanilang anak. Nabatid na isa sa pangunahing suspek sa pagpatay kay Enzo ang misis nitong si Dalia.
- Latest