^

Metro

Motorsiklo vs motorsiklo: 1 patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider makaraang banggain ang sinasakyan niyang motorsiklo sa isa pang motorsiklo sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si June Ivan Gasataya, 35, ng Cembo, Makati City.

Nabatid na sakay ng kanyang motorsiklo (UQ-7302) ang biktima nang banggain ng isa ring motorsiklo (TI-8006) na minamaneho naman ni Tobias Billy, 32, ng Dalig, Antipolo City.

Sa ulat ni SPO2 Carlito Guillarte ng Pasig City Police, dakong alas-8:55 ng umaga nang mangyari ang insidente sa C. Raymundo Avenue, Brgy. Caniogan, Pasig City.

Sinasabing tinatahak ng biktima ang south direction habang si Billy ay north direction nang maganap ang aksidente.

Ilang nakakita sa insidente ang nagsabing pa-ekis-ekis ang takbo ng motorsiklo ni Billy at napunta sa kabilang linya kaya nasapol nito ang sina­sakyang motorsiklo ng biktima.

Tumilapon ang biktima habang si Billy ay natumba kasama ang kanyang motorsiklo.

Matapos ang insidente ay sumuko sa mga awtoridad si Billy na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

CARLITO GUILLARTE

JUNE IVAN GASATAYA

MAKATI CITY

MOTORSIKLO

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

RAYMUNDO AVENUE

TOBIAS BILLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with