MANILA, Philippines – Tiniyak ng Manila City Hall-Manila Assistance and Special Assignment (MASA) na tuluyan nang mawawala ang mga fixers at iba pang mga gumagawa ng iligal na gawain sa loob at labas ng Manila City hall sa mga susunod na araw.
Ang paniniyak ay ginawa ni MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., matapos na kumpirmahin nito ang paglalagay ng mga closed circuit television sa iba’t ibang lugar sa loob at palibot sa labas ng city hall may 12 CCTV ang inilagay.
Ayon kay Irinco, malaking tulong ang CCTV upang malinis ang city hall mula sa mga fixers na hanggang sa ngayon ay gumagala pa rin.
Kadalasan din ngayong nagkakaroon ng transaksiyon sa labas ng city hall lalo pa’t naging mahigpit ang seguridad sa paglabas at pagpasok dito.
Sinabi ni Irinco na hindi lamang mga kaganapan sa loob ng city hall ang nakikita ng CCTV kundi maging sa labas nito kung saan ilang paradahan ng ilang sasakyan.
Aniya, may tauhan siyang 24/7 na magmomonitor upang agad na makaresponde.