MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos na mahulihan ng Cytotec kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.
Kinilala ni P/ Insp. Rommel Anicete, hepe ng Plaza Miranda PCP-Central Market Police Station ang suspek na si Ricardo Dela Cruz, 36 at residente ng no 359 San Diego St. Sampaloc, Maynila.
Ayon kay Anicete, nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhang sina PO3 Felimon Protacio, PO2 Regin Obina at PO1 Reynaldo Fortaliza sa panulukan ng Quezon Blvd. at Paterno nang sitahin si Dela Cruz dahil sa kawalan ng plaka ng kanyang motorsiklo.
Kasunod nito ay, kinapkapan ni Obina si Dela Cruz kung saan nakuha dito ang 56 na Cytotec na isang abortive pills.
Nabatid kay Anicete na ang suspek ay isa lamang sa mga personalidad na kanilang minamanmanan.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A 4136 (Driving motorcycle without displayed plate number) at R.A. 9711 (FDA Foods, Drugs, Devices Cosmetics Act Possession of Cytotec) si Dela Cruz ay dinala sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Ma. Salvacion Revilla.