Paggunita ng Undas sa QC, naging maayos

Mahigpit ang ipinatupad na inspeksyon ng mga awtoridad sa pasukan ng Manila North Cemetery kung saan iba’t ibang metal ang kanilang nasamsam na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo. KUHA NI BERNARDO BATUIGAS

MANILA, Philippines - Matahimik at maayos na ginunita ang Undas ka­hapon, November 1 sa mga sementeryo sa Quezon City.

Bagamat tirik ang sikat ng araw, dumagsa ang bilang ng mga tao sa mga tatlong public cemeteries sa Bagbag, Novaliches at Baesa cemetery, gayundin sa apat na  private cemeteries  sa Eternal Gardens Memorial Park sa Barangay Balumbato; Himlayang Pilipino sa  Barangay Tandang Sora; Holy Cross Memorial Park sa  Barangay San Bartolome at sa  Recuerdo Memorial Gardens sa kahabaan ng Litex Road  sa Barangay Commonwealth.

Patuloy na nakaantabay sa mga entry points ang mga elemento ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng QC hall upang magmentina sa kaayusan ng daloy ng trapiko doon.

Sinabi naman ni  DPOS traffic operations head Dexter­ Cardenas na naglagay sila ng mga traffic en­forcers sa mga city boundaries na malapit sa sementeryo tulad sa San Juan Cemetery at sa Manila North Cemetery.

Kasama ng DPOS ang mga tauhan ng barangay public safety office para ayudahan ang publiko sa paggunita ng Undas.

Bukas naman, Nobyembre 3 ay may 120 volunteers ng EPWMD’s riverways clearing operations group ang naatasang maglinis sa mga iiwang basura sa  mga sementeryo. (Angie dela Cruz)

 

Show comments