^

Metro

Caloocan City councilors, umalma sa mataas na piyansa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umalma kahapon ang mga konsehal ng Caloocan City hinggil sa sobrang taas na piyansang inirekomenda ng korte na nagkakalahaga ng P100,000.00 hinggil sa indirect contempt na ikinaso sa kanila na may  kaugnayan ng  hindi pagtugon na bayaran ang P140 million bilang  kakulangan sa nabiling lupa ng naturang lungsod.

Sinabi ni  Majority Floor Leader Councilor Karina Teh,  na masyadong ma­laking halaga ang ipinataw na piyansa ni Judge Dionisio Sison, ng  Caloocan City Regional Trial Court (RTC) dahil kasong civil lang aniya ang pinagmulan  ng kaso.

Sinabi ng naturang konsehal, kung tutuusin ay may apela pa  ang lungsod sa Court of Appeal hinggil sa naging desisyon ni Sison at ibig sabihin  ay hindi  pa aniya  tapos o hindi pa pinal ang desisyon nito.

Ayon naman kay 1st Dist. Councilor Onet Henzon, tila panggigipit ang ginawa sa kanila , gayung ang piyansa para sa armed robbery is P24,000; sedition - P16,000; adultery - P6,000; assault with physical injuries - P6,000; qualified theft - P24,000; conspiracy to commit rebellion – P60,000; and forcible abduction – P40,000.

 “Halos doble ang ipinataw ni Sison at hindi namin alam kung saan ibinase ni Judge ang itinakdang piyansa para sa amin”, ayon sa naturang konsehala.

 “Hindi ba na kaya nagtatakda ng piyansa ang husgado ay upang hindi magtago at hindi talikuran ang naisampang kaso, mga halal kami ng taumbayan at hindi kami magtatago, handa naman namin pirmahan ang resolusyon upang mabayaran ang Recom Realty Corp., pera sa tamang presyo”, dagdag pa  ni Henson.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

COUNCILOR ONET HENZON

COURT OF APPEAL

JUDGE DIONISIO SISON

MAJORITY FLOOR LEADER COUNCILOR KARINA TEH

RECOM REALTY CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with