Odd-even scheme ipinatupad ng MMDA

MANILA, Philippines - Ipinatupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang odd-even scheme para sa mga provincial buses ngayong Martes.

Sa bagong sistema ay maaari nang dumaan sa mga underpass ang mga naturang bus depende sa araw at huling numero sa kanilang plaka.

Maaaring dumaan sa underpass ang mga bus na may plakang nagtatapos sa 1, 3, 5, 7, 9, tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang tuwing Martes, Miyerkules, at Sabaso ang mga nagtatapos sa 2, 4, 6, 8, 0.

Tuwing Linggo naman ay pinagbabawalan ang mga provincial buses na dumaan sa underpass.

Naniniwala ang MMDA na mapapagaan ng bagong sistema ang daloy ng trapiko sa EDSA.

May multang P500 ang mga mahuhuling lalabag sa odd-even scheme.

Show comments