Konsehal ng Maynila pabor sa citizens arrest

MANILA, Philippines - Pabor si Manila 4th District  Councilor Anton Capistrano sa  citizens arrest sakaling ipatupad ito sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Capistrano, ito naman ang  pagkakataon  ng publiko upang  ipakita ang kanilang malasakit at pagtulong sa sinumang biktima ng  krimen.

Aniya,  malaking tulong ang  citizens arrest upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng iba’t ibang  krimen.

Sa katunayan ay nagsisimula na silang  magsagawa ng mga pagsasanay ng  self defense ang mga tanod sa may 192 barangay  bilang proteksiyon  laban sa criminal.

Ito’y bukod pa sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan ng mga tanod at  mga CCTV sa barangay.

Nakikipag-ugnayan din sila sa Manila Police District upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga  tanod dahil ito ang madalas na nagsasagawa ng paglilibot at monitoring sa kanilang mga nasasakupan.

Gayunman, sinabi ni  Capistrano na kailangan ding  may limitasyon sa pagpapatupad ng  citizens arrest upang maiwasan ang pang-aabuso  at paglabag sa human rights.

 

Show comments