Produktong pang-Halloween suriin muna – EcoWaste
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng EcoWaste coalition ang mga mamimili na suriin muna ang impormasyon patungkol sa kemikal ng mga produktong pang-Halloween na naka-display sa mga istante ng mga tindahan ng laruan kung ligtas o hindi sa nakalalasong kemikal.
Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng kowalisyon, mas makabubuti na ugaliin ang pag-iingat kapag bumibili ng mga naturang items dahil ang mga gumagawa ng laruan at nagbebenta ay nagsasamantala sa lumalaking popularidad ng Halloween sa ilang seksyon ng lipunan.
Bilang parte ng kampanya ng grupo para sa “Kid safe toys zero harm and zero waste” nagawa nilang makakuha ng produkto na nagkakahalaga ng P35 hanggang P259.50 bawat isa mula sa mga tindahan sa Baclaran, Divisoria, Ermita Manila, gayundin sa Caloocan, at Quezon Cities.
Sinuri ng grupo ang mga produkto sa pamamagitan ng portable X-ray Fluorescence (XRF) device. Ang mga produktong nasuri ay ang creepers, headbands, maskara, shockers, thrillers, sandata, gayundin ang mga palamuti, at goody basket.
Sa 50 samples, 21 ang napatunayang mayroong toxic metals.
Ang lima sa pinakamataas na items na nagpakita ng mataas na lebel ng toxic ay ang ceramic pumpkin candle holder (43,100 ppm of lead); trick or treat bag at handle (10,400 ppm of lead); black widow giant spider (1,641 ppm of lead); garland na may pumpkin design (1,095 ppm of lead); at halloween party mask (495 ppm of lead).
- Latest