^

Metro

Sa Maynila Solvent boys wawalisin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinisimulan na ng Manila Police District (MPD) ang  paglilinis sa mga ‘solvent boys’ na naglipana sa iba’t ibang  lugar sa Lungsod.

Ang aksiyon ni  MPD  Director, Sr. Supt.  Rolando Nana ay alinsunod  na rin sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na hakutin ang mga ‘solvent boys’ na  kadalasan ding ginagamit ng mga sindikato sa kanilang mga iligal na operasyon.

Una nang sinabi ni  Estrada na hindi lamang  sa isyu ng trapiko at vendors lilinisin ang Maynila kundi maging sa isyu ng mga solvent boys na inirereklamo ng mga biktima ng snatching at pandurukot  sa kahabaan ng Taft Ave., Rizal Ave. at Roxas Blvd.

Ayon kay Nana,  inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na dagdagan ang police visibility sa mga nabanggit na lugar  na nambibiktima ng mga inosenteng  sibilyan lalo na ang  mga dayuhan.

Nabatid naman kay  Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng  Manila Action and Special Assignment (MASA),  patuloy naman ang kanilang  ginagawang pagsagip sa mga solvent boys  sa paligid ng  city hall at  Taft Ave. na karamihan ay miyembro ng  ‘Pitas Tenga’ kung saan dinadala ang mga menor de edad sa Reception and Action Center (RAC).

Tiniyak naman ni Irinco na hindi nila ititigil ang  kanilang operasyon laban sa mga  ‘solvent boys’ lalo pa’t nalalapit ang  kapaskuhan.

Aniya, sasamantalahin ng mga ito ang  pagdagsa ng mga  mamimili at commuters upang mambiktima.

Samantala, naging ma­tagumpay naman ang  isinagawang  2nd   National Legislative Summit for the Welfare and Protection of Children sa pangunguna ni  Manila Vice Mayor Isko Moreno na  pa­ngulo ng Vice Mayors League of the Philippines.

Ayon kay Moreno, layunin ng  summit na  mas mapabuti pa ang  mga proyekto at programa  ng national  at  local government para sa mga kabataan at maiiwas sa anumang mga bisyo at kapahamakan.

Nais din ng summit na maipakita sa mga kabataan ang  kanilang mga oportunidad at  kinabukasan.

 

AYON

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

TAFT AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with