^

Metro

Bilang paghahanda sa undas: 500 MMDA enforcers, ikakalat sa Manila North Cemetery

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula sa Huwebes (Oktubre 30, 2014) hindi na papayagang maka­pasok at pumarada sa Manila North Cemetery ang mga pri­badong behikulo kung saan sabay na ikakalat sa pa­ligid nito ang mahigit sa 500 enforcer ng Metropolitan Manila De­ve­lopment Autho­rity (MMDA) kabilang dito ang mga ta­uhan ng Manila Police District (MPD) bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.

Ayon sa report na natatanggap ng MMDA, ipatu­tupad ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang hindi na pagpapapasok at pagparada ng mga sasakyan sa loob ng sementeryo.

Dahil dito, inaasahan na magsisimula na rin ang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa labas na magpaparadahan ng mga sasakyan ang mga maaagang magpupunta sa sementeryo.

Hindi lamang sa naturang sementeryo ang paghahanda kundi maging sa iba pang cemetery sa Metro Manila ay tututukan din ng mga enforcer ng  MMDA. (Lordeth Bonilla)

AUTHO

AYON

DAHIL

LORDETH BONILLA

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with