Bebot tiklo sa P5-M halaga ng shabu

MANILA, Philippines - Nasakote ng pulisya ang isang babaeng ‘tulak’ matapos masamsaman ng humigit-kumulang sa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5-milyon sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ni Senior Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police ang suspek na si Jucelie Ann Santos, ng south-bound C-5 Service Road, Brgy. Pinagsama Village  ng na­turang lungsod.

Ayon sa pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis mula sa kanilang asset hinggil sa umano’y pagbebenta ng droga ng suspek.

Alas-11:30 ng gabi ini­lunsad ang buy-bust ope­ration ng operatiba ng Special Anti-Illegal Drugs Task Force (SAID-SOTF) ng Taguig City Police kung saan isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer.

Nang magpositibo ay kaagad na dinakip ng mga pulis ang suspek na si Santos hanggang sa narekober mula sa sasakyan nito  ang isang plastic bag,  na naglalaman ng shabu.

Sasampahan ang suspek ng kasong pagtutulak ng droga sa piskalya ng Taguig City.

 

Show comments